United States or Togo ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang ibon anyang ito na bughaw ó dilaw ay siya marahil na sagisag n~g Dios na Maycapal na pinan~gan~ganlang Bathala, at sapagca't hinahamac n~g m~ga misionero ang ano mang di nila sinasampalatayanan ay pinagcamalán nila marahil, Anya'y maigagaya rin naman sa m~ga Ita't Igulot na cung iya namang macakita n~g sagisag n~g Espiritu Santo ó n~g sa m~ga Evangelista na calapati, toro, leon, atb, ay hindi malayong ibalita naman n~g m~ga ito sa canilang m~ga caibigan na ang m~ga cristiano ay sumasamba sa calapati, sa toro sa leon at ibp. ayon sa pagcasagísag sa m~ga yaon.