United States or French Southern Territories ? Vote for the TOP Country of the Week !
At ang gumaganap nang pagca-justicia, at sa nasasacop ay macalin~ga pa, yaon n~ga ang siyang tunay na maganda na mag-Hari't siyang lubos na may caya. Matanto ang gayong man~ga casagutan nang Papa, ay agad namang napaalam, yaong embajada't nang siya'y dumatal sa Francia'y sinabi yaong casagutan.
Sa lahat nang puerto, ay inuusisa ang tungculin nila sa pag-aalaga, at cung ginagaua ang pan~gan~gasiua nang pagca-justicia sa sacop na madla. Cundi gumagaua nang man~ga pag-api sa hamac, ó maguing sauing malaki, ang pagpapalagay nila'y cung mabuti cung isa ang tin~gin sa guino't imbi.