United States or Saint Martin ? Vote for the TOP Country of the Week !
"Lumilipas na sa Filipinas ang matatandang caugalian; ang maririn~gal na gawa n~g canyang m~ga anác ay hindî na nangyayari lamang sa loob n~g sariling bahay; iniiwan na n~g paróparóng silan~gan ang sariling bahay; sa m~ga lupaing yao'y ipinakikilala na ang paguumaga n~g isáng mahabang araw, sa pamamag-itan n~g maniningning na cúlay at namumulamulang pagbubucang liwayway, at ang láhing iyóng nagugulaylay sa boong gabí n~g historia, samantalang lumiliuanag ang araw sa ibá't ibáng lupaín, mulî n~gayóng gumiguising na kumíkinig sa untóg n~g electricidad na sa canyá'y gumibíc sa pakikipanayám sa m~ga bayang calunuran, at "hinihin~gî ang ilaw, ang buhay ang civilizacióng" n~g una'y caniláng minana na pinapagtibay ang waláng catapusáng m~ga lagdâ n~g hindî naglilicat na pag-gulong n~g panahón, n~g m~ga pagcacáiba't iba, n~g di nagmamaliw na paghahalihali, n~g pagsúlong."
Yaong lahat na m~ga panaguinip na calugodlugod, yaong m~ga pagaalagang tumagal n~g mahabang panahon, mula sa pagbubucang liwayway hanggang sa paglubóg n~g araw, yaong lahat n~g m~ga pagpapahirap at pagpapagal, ang kinauwia'y isang peseta, ang m~ga nálabing abó sa gayóng cacapal na asó.