United States or Ireland ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nariyan nga ang isa pang salitang napasukan ng isang malikot na "b", na ipinag-iba ng kahulugan, at kaibhang mahirap na mahalata, kung walang ibang siping mapagtutularan. Tungkol sa "mag-aala-ala": ito ang kay hirap na kilalanin.
Kaya, ang "saglit-saglit" sa tulang: "dini sa li-ig co,i, cusáng isasabit tuhog na bulaclac sadyang saglit-saglit" ay isang kamalian lamang ng "salit-salit" na napasukan lamang ng "g", at ang kamaliang iyan ay hindi na nabago, nanatili na sa habang panahon, hanggang sa dahil nga sa kabunyian ng "Florante" ay naging sanhi na tuloy ng pagkakaroon ng kahulugang gaya rin ng "salitsalit" o "sarisari".