United States or Saint Martin ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa tulong n~g malaking pagsisikap n~g m~ga manggagamot, ang buhay nila Pablo at Gervasio ay nailigtas sa kamatayan. At si Mauro at ang kasama naman nito sa pagamutan, pagkatapos n~g may mahigit na isang linggong paggamot sa m~ga sugat nila, ay mayroon nang dalawang buwan naman sa Bilibid, na naghihintay n~g araw n~g paglilitis.