United States or Kazakhstan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Hindî napiguil ni Ibarra ang isáng n~gitî. Cayô po'y nagtátawa ang mulíng sinabi n~g maestro na nagtátawa rin namán: ang masasabi co pô sa inyó'y hindî acó macatawa n~g mangyari sa akin ang bagay na iyón. Nacatindíg acó; náramdaman cong umaacyát sa aking úlo ang dugô at isáng kidlát ang nagpapadilím sa aking ísip. Nakita cong maláyò ang cura, totoong maláyò; lumapit aco't upang tumútol sa canyá, na dî co maalaman cung anó ang sa canyá'y aking sasabihin. Namaguitnâ ang sacristan mayor, nagtinig ang cura at sinabi sa akin sa wícang tagalog na nagagalit: "Howág mong paggamitan acó n~g hirám na m~ga damít; magcásiya ca na lámang sa pagsasalitâ n~g iyóng sariling wíc
Salita Ng Araw