United States or Timor-Leste ? Vote for the TOP Country of the Week !
At saka humibik na mandi'y puputok ang latok na dibdib; kanyang ipinukol ang mata sa lan~git kasabay ang sabing: "¿Kailan pa sasapit ang mithing ligaya n~g aking pag-ibig"? "¡Oh! Diosa n~g aking yaman n~g pag-asa, ¿kailan mo tutubsin ang puso sa dusa? ¿kailan papalitan n~g tunay na saya ang nagluluksa kong ulilang pagsinta na nananambitan...!" at saka tumawa. Ha! ha! ha! oh! irog!
At doon natapos, ang lahat n~g sumpa doon din tumulo mapait na luha; ¡oh, kahabaghabag na palad ni Tuning, babaing naaba natan~gi ang lan~git, siyang nagluluksa!... ¡Oh, taksil na pita sa dan~gal at yaman, ang lahat n~g ito'y iyong kasalanan; ang busabusin mo, kahi't man umidlip doon sa libin~gan sumpang sunodsunod, walang katapusan!...