United States or Poland ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa mesang pagkain kung tumatawag n~ga, hayaang mauna ang m~ga dakilâ; at gayon din naman huag kang magkusang maunang tumikim sa alin mang handâ. Huag kang magmadali't ang subo'y huag lakhan ang ulam ay huag mong amuyan ó hipan; ang m~ga kubiertos ay paka-in~gatan, upang huag kumatog na lubha sa pingan.
Sa alin mang pintô bago ka pumasok ay huag magmadali't marahang tumugtog; ang dinadalaw mo'y sakaling nanaog, ikaw ay magsabi n~g ganitong ayos. " Wala pu ba naman silang dinaramdam ?" Pagsagot n~g wala " Salamat na lamang " " Utang na loob po'y ipagbigay alam na kanila itong ninais kong dalaw ."