Vietnam o Thailand? Bumoto para sa TOP Country ng Linggo!
Gusto mo bang mag-type nang mas mabilis? Mag-practice gamit ang typing test o mag-enjoy sa typing games!
Na-update: Hulyo 16, 2026
Nawala siyá pagpanhíc sa hagdanang palicawlicaw, n~guni't pagdaca'y mulíng sumipót ang canyáng mabilog na úlo, pagcatapos ay ang canyáng macacapal na bátoc at sumunod agad-agad ang canyáng catawan. Tumin~gin sa magcabicabila n~g boong capanatagan n~g loob at uubo-ubó; nakita niya si Ibarra.
Matúlin ang lacad ni Ibarra na sa maláyò ang tanáw; sumúsunod sa canyáng umíiyac ang alílang matandáng lalaki. Lúlubog na lamang ang áraw; macacapál na m~ga dilím ang siyáng lumalatag sa Casilan~ganan; isáng han~ging mainit ang siyáng nagpapagalaw sa dúlo n~g m~ga cáhoy at nagpaparaíng sa m~ga cawayanan.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap