Vietnam o Thailand? Bumoto para sa TOP Country ng Linggo!
Gusto mo bang mag-type nang mas mabilis? Mag-practice gamit ang typing test o mag-enjoy sa typing games!
Na-update: Agosto 13, 2026
Ang m~ga hudyát o mahal na salita'y "Gom-Bur-Za," na ang katutura'y Gomez, Burgos at Zamora, tatlong paring pilipino na ipinabitay n~g pamahalaang Kastila n~g ika 28 n~g Pebrero, 1872, kahima't di tunay ang ibinubuhat na kasalanan sa kanila. Pinamagatang "Bayani" ang Ikatlong Baytang. Kaputsang pulá na may listong lungtian ang isinusuot n~g m~ga kasapi.
May suot na sintás na lungtian na sa dulo ay may isang "medalla" na may isang "K" sa gitna at may sinag at sa dakong mababa ay nakakabit ang magkasabát na isang watawat at espada.
Kapag binigkás ang salitang "Anak" ang isinasagot n~g tinatanong ay "n~g Bayan." "Revolver," sandata o gulok ang tinataglay n~g m~ga nagsisidaló sa pulong n~g baytang na itó. "Kawal" naman ang pamagat n~g Ikalawang Baytang. Lungtian ang kulay n~g kaputsa na ang kahulugan ay pag-asa. Puti ang sintás at m~ga titik n~g triángulo.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap