Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !

Na-update: Hunyo 23, 2025


Ang m~ga hudyát o mahal na salita'y "Gom-Bur-Za," na ang katutura'y Gomez, Burgos at Zamora, tatlong paring pilipino na ipinabitay n~g pamahalaang Kastila n~g ika 28 n~g Pebrero, 1872, kahima't di tunay ang ibinubuhat na kasalanan sa kanila. Pinamagatang "Bayani" ang Ikatlong Baytang. Kaputsang pulá na may listong lungtian ang isinusuot n~g m~ga kasapi.

Nakilala ni Jose Rizal sa bahay ni pari Burgos si na pare Dandan, Lara at Mendoza na pawang dinakip at ipinatapon sa Marianas n~g gobierno n~g España, at gayon din si parì Gomez at si pari Zamora, na ipinabitay n~g Gobierno ring iyong casama si párì Burgos, na ang naguing sangcala'y ang panghihimagsic n~g m~ga manggagawâ sa Arsenal n~g Tan~guay n~g 1872.

Tuwing darating ang ika 28 n~g Pebrero, ay nagdaraos n~g m~ga lihim na lamayan na patungkol sa tatlong paring pilipinong sina Gomez, Burgos at Zamora na ipinabitay n~g pamahalaang kastila sa sulsol n~g m~ga "fraile."

Sumasabudhì n~g madlâ ang m~ga calupitáng dito'y guinágawâ n~g m~ga panahóng iyón. Ipinabilángo, ipinatapon ó ipinabitay bawa't filipinong numiningning dahil sa tálas n~g isip at sa pagsasangalang sa m~ga catwiran n~g lupang kináguisnan. Ang m~ga nangyaring itó'y nalimbag sa damdamin n~g batang si Jose Rizal.

Salita Ng Araw

leproso

Ang iba ay Naghahanap