United States or French Guiana ? Vote for the TOP Country of the Week !
Napagkilala din ninyo na ang utos ñg Dios ay iba sa utos ñg Parí, na ang kabanalan ay hindi ang matagal na luhod, mahabang dasal, malalaking kuentas, libaguing kalmin, kundí ang mabuting asal, malinis na loob at matuid na isip.
Ang babaing tagalog ay di na payukó at luhod, buhay na ang pagasa sa panahong sasapit; walá na ang inang katulong sa pagbulag sa anak na palalakhin sa alipustá at pagayop. Di na unang karunuñgan ang patuñgó ñg ulo sa balang maling utos, dakilang kabaitan ang ñgisi sa pagmura, masayang pangaliw ang mababang luhá.
Sasaysayin co Feliza, ang man~ga regla na dapat alinsunurin. Magbibigay luhód sa casama ó caibigan, pagbibigyang honor ó puri, n~guni ang pagbibigay ay tapat sa loob, at di paimbabao. Houag magnasaang pintuhoin at igalang nang caibigan cun di mamahalin, na para nang pagmamahal niya sa sarili. Hindi ang isa lamang ang magpapaquita nang loob, cun di capoua magpapaquitaan.