United States or Bosnia and Herzegovina ? Vote for the TOP Country of the Week !
Kaguluhan nila'y kahi't naapula kapintasan nama'y sumabog sa madla anopa't ang lahat nang makaunawa'y Inang sinisising uliran nang sama. Sila na ang lubos na naging hantun~gan nang lahat nang taksil na magmamagulang kaya nga't nabantog ang kanilang n~galan ay di kabutihan kundi sa kasaman.
At doon natapos yaong kaguluhan na noong umaga'y isang kasayahan; sa bibig n~g madla, pagpuri't pagkutya, pagbunyi't paguyam ang namumulaklak na lipatlipatan. Hanggang sa lansan~gan, noo'y sumabog na balitang masaklap, mapait na bun~ga n~g han~gad sa yaman; ibang makamatyag lihim na tatawa bago tutuguning «¡Nasawing Pagasa!»
Ipinamalita ang bagay na ito kaya't ang naglakbay ay maraming tao pawang nagsikuha ang bawa't dumalo ay walang binigyan na kahima't sino. Sabihin pa bagang man~ga kaguluhan tanang tagaroong lahat ay dumalaw sampung Arzobispo doon ay naglakbay sulat ay kinuha'y di rin ibinigay.
Salita Ng Araw