United States or Japan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Maigui, ani P. Clain, ang pagn~gan~ga nang caunting tabaco, at lumura muna minsan bago lonoquin ang ibang lauay, nang macatulog ang may catauan. Cun ang maysaquit ay nag-uubo at ualang ilinulura; cun pungmupula ang muc-ha, at ang ugat nang catauan ay lungmalaqui, at tila siquip ang caniyang dibdib, pati nang lalamunan, ay paiinumin nang bilin sa número 12, capag sinangrahan na.
Touing gab-i lungmalaqui ang init at ang pag-uubo na ualang nacucuha. Ang ilinulura ay may dugong caunting casama, na sa icapitong arao nauauala. Cun minsan ang saquit nang baga,i, ungmaabot hangan sa lalamunan, na hindi macalunoc ang maysaquit, at caya ang isip niya,i, mayroon siyang garrotillo .