United States or Palau ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ibinulusoc niyá ang m~ga sumpâ lában sa lácad n~g m~ga caasalan n~g sangcataohan, lában sa pagwawaláng gálang, lában sa bagong sumísilang na paglabág sa religión. Tila mandîn ang ganitóng bágay ang siyang totóong canyáng cáya, sa pagca't nag-aalab ang canyáng ísip, at nagsásalitâ n~g boóng caríinan at caliwanagan. Tinúcoy n~g canyáng pananalitâ ang m~ga macasalanang, hindî nagsisipan~gumpisal, na nan~gamamatay sa bilangguang hindî nacatatanggap n~g m~ga sacramento, n~g m~ga familiang sinumpâ n~g Dios, n~g m~ga palalo't m~ga sopladong "mesticillo" n~g m~ga binatang nagdudunongdunun~gan, m~ga "filosofillo" ó "pilosopillo", n~g m~ga "abogadillo", m~ga "estudiantillo" at iba pa. Hindî cailâ ang caugalîang tagláy n~g marami, pagc
At sa pagcatigagal n~g pagtatamong lugod sa caniyang gawa'y hindi niya narin~gig ang pagdating n~g canyang esposo, hangang sa biglang nabucsan n~g malaking in~gay ang pinto sa isang tadyac. Sumipot doon ang alférez na namumutla't marilim ang mukhâ; napanood ang doo'y nangyayari at ibinulusoc sa canyang asawa ang isang catacottacot na titig.
Salita Ng Araw