Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Mayo 16, 2025
"Pasimulán nátin ang púlong. "Mga ginoó: anó ang inyóng pasiya? Sa áking akala'y ang kapisánang itó ay dapat nang lansagín. "Dapat lansagín ang sabí ko sapagka't walang kabutihan siyang nililikhâ; bagkus pa ngang payak na kasamâan ang kanyang ibinubunga.
Ang abogado, ó sino mang táong di masalitâ, tangi na lang ang mga mangmang, ay may panahon upang pagarálan at lubáhing mabúti sa kanyáng ulo, ang isang pagkukurò, bago ihayág; nakapipilì siyá ng mga salitang angkóp at matitíbay; napipilì niyá ang lalong matíbay na paglalahad sa ibig sabíhin. Ano ang ibinubunga? Kaliwanagan! Lakas! Ang kaliwanágan ng pangungusap ay kapangyaríhan sa isang pagtatalo!
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap