United States or South Korea ? Vote for the TOP Country of the Week !
At saca, pó, tatay; ay alalahanin, pó, ninyo, na sa pagcacamit nang Lañgit, ay hindi cailañgang mag-aral muna nang uicang castila at cánones , ó cung ano pong ñgalan niyong pinag-aaralan nang mañga estudiante sa Maynila, at madalas naringig co, pó, sa mañga Confesor, at binasa co pa sa mañga libro, na, cung sa Pañginoon Dios, ay ualang castila , ualang tagalog, ualang ingles , ualang inchic , ualang mahirap, ualang mayaman, ualang marunong at ualang hañgal; tayo,i, para-parang hohocoman niya, at ayong sa ating mañga gaua, ay ganoon din ang caniyang ganti ó parusa sa atin.