Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Hunyo 15, 2025
Nagsindi n~g fósforo ang isáng sundalo, datapuwa't namatáy ang nin~gas sa han~ging iyóng nápacabigat at bulóc na bulóc, caya't nan~gapilitang hintayín niláng macapagbagong han~gin.
Pumasoc silá't humanap sa gayóng nag-aagaw n~g dilim at liwanag n~g isáng lugar na lalong nauucol; hindi nalao't nacásumpong silá n~g isáng baunang bató at doon silá naupô. Kinuha n~g pinacapandác sa canyáng salacót ang baraja, at nagpanin~gas namán ang isá n~g fósforo. Sa ilaw ay nagtin~ginan ang isá't isa, datapuwa't ayon sa pag-aanyô n~g canícaniláng mukha'y hindi nan~gagcacakilalanan.
Pinagsunodsunód ni Elías ang pagpapanin~gas n~g fósforo. ¡Sa cabayo! anyá, at n~g magcatanda'y nilagyán n~g isáng bun~gô n~g tadyáng. ¡Juego! aní Lucas, at sa icaapat ó icalimang carta ay lumabás ang isáng alás. Natalo cayó, ang idinugtóng; n~gayó'y pabayaan po ninyóng acó'y mag-isáng humanap n~g pagcabúhay.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap