United States or Chad ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa sipi namin ay ganito ang nakalagay: "Pupugutan dahil sa hindi pagtangáp sa sintang mahalay nang Emir sa Ciudad, nang mag-ásal hayop ang morong pangahás tinampál sa muc-hâ ang himalang dilág". Ganito rin ang kay P. Sayo, at lumalabas na ang himalang dilag na si Laura ay siyang tinampal. Ganito rin ang kay De los Santos.
Nguni't kung pakasusuriin natin ay tila mahuhulog tayo sa paniwalang tama ang nasa "Kun sino ..." na ang tumampal ay ang "himalang dilág". Tinampal ang morong pangahas, sapagka't nag-asal hayop; at dahil sa pagkakatampal ay napoot ang Emir at ipinag-utos na pugutan ang "himalang dilág". Ang tampal ay siyang tanda ng "hindi pagtangap sa sintang mahalay nang Emir sa Ciudad".