United States or Palau ? Vote for the TOP Country of the Week !
Itong uicang Jesús nang canyang masambit nasaulang loob luminao ang isip, sampong catacuta,i, napaui,t, naalis pinto nang libin~gan ay canyang nabatid. Nag labas na siya at nag patuluyan tinun~go ang dating bahay na urun~gan, nang quinabucasan canyang naisipan umalis na roon sa reinong Portugal.
Tulad sa pagtunaw n~g guintong malinis na dinadalisay ang uring malabis, hangang may camunting dumi inaalis nang upang tumaas ang mithing kilatis. Dadalisayin n~ga n~gayon ang puso mo nang pakikilaban sa dahas nang tucso, catacuta,t, sákit ay laan sa iyo gutom cauhaua,t, pagluhang totoo.