United States or Mozambique ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa cawacasa'y dumating; lumabás ang isáng tao sa casucalan at lumapit sa canyá. ¿Anó ang sasabihin co sa capitán? ang tanóng. Sabihin mong gaganap si Elías n~g canyáng pan~gacò, sacali't hindi mamatáy muna, ang isinagót n~g boong calungcutan. Cung gayó'y ¿cailán ca makikisama sa amin? Pag-inacala n~g inyóng capitáng dumating na ang panahón n~g pan~ganib. Cung gayó'y magaling, ¡paalam!
Malaónlaon din siyáng nagpalacadlacad sa casucalan n~g m~ga gumagapang na damó, na canyáng pinan~gin~gilagan ang m~ga dawag na cumacapit sa canyáng hábitong guingón na tíla mandin ibig siyáng piguilin, at pinatitisodtisod maya't mayâ ang m~ga para ninyóng dî bihasang maglacád n~g m~ga ugát n~g m~ga cáhoy na lumálabas sa lúp