Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Mayo 14, 2025
Capagdaca ay naghusay balahibo sa catauan, ang cantá'i, pinag-iinam cauili-uiling paquingan. Naghusay namang mulí pa itong ibong encantada, umulit siyang nagcantá tantong caliga-ligaya. Nang sa príncipeng marinig yaóng matinig na voces, ay doon sa pagca-tindig tila siya'i, maiidlip. Quinuha na capagdaca ang dala niyang navaja, at caniyang hiniua na ang caliuang camay niya.
Saca pinigán nang dáyap nitong príncipeng marilág, cun ang ibon ay magcoplas ay nauaualá ang antác. Di co na ipagsasaysay pitóng cantáng maiinam, at ang aquin namang turan sa príncipeng cahirapan. Pitóng cantá'i, nang mautás nitong ibong sacdal dilág, pitó rin naman ang hilas cay don Juang naguing sugat. Ay ano'i, nang matapos na ang caniyang pagcacantá, ay tumáe capagdaca ito ngang ibong Adarna.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap