United States or Sweden ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa harap nang ating magulang ó matandá caya, ay houag mong pababayaang manabaco, ó man~gusap caya nang calapastan~ganan, ó matunog na sabi. Cun naquiquipaglarô sa capoua bata, ay houag tulutan na maglapastan~gan, ó dumhán caya ang damit nang iba, at pagpilitian mo na yaong caraniuang uicain nang tauo, na ang masamá sa iyo,i, houag mong gauin sa iyong capoua, ay itanim sa dibdib at alinsunurin.
Dito'y mahihinuha na ang canyang catalinuhang calakip ang pagsasangalang sa Bayan, sapagcat tumanghal ang canyang pan~galan sa pamamag-itan n~g pakikibaca sa m~ga calapastan~ganang cumacalat sa m~ga paglulubog sa matwid hangang binawiang buhay n~g hindi sa sakit cundi sa bilis n~g punlong pamatay ¡Oh catiwalian n~g panahon!
Hindi maghahanapan nang cagalan~gang ucol sa naquiquilalang puno; datapoua,i, ibinabaual naman ang calapastan~ganan. Cun ang isa,i, naquiquitaan nang casiraan, ay dapat sabihin nang isa, nang banayad at mahusay na sabi, nang houag mapulaan ang caibigan; dapat naman tangapin nang pinagsasabihan ang magandang hatol nang nagtatapat loob sa caniya.