United States or Dominica ? Vote for the TOP Country of the Week !
Si Rizal, ang Gobernador Carnicero at isáng castilang nagn~gan~galang Francisco Eguilior ay lumálarò sa Loteria, sa bowán, bowán, at bumibili silang sapisapi n~g isang boong billete, na halagang sampong piso. Nang icawalong oras n~g umaga, n~g icá 21 n~g Septiembre n~g 1892, ay dumatíng sa Dapitan ang vapor-correo "Butuan" na napapamutihan n~g sarisaring bandera. Dalidaling sumalubong ang Gobernador at iba pang m~ga cagawad niya, na may casamang isáng bandang "música", sa pagca't ang boong acala'y may dumating na isáng punong may malaking capangyarihan, at ang unang balitang sinabi sa Gobernador n~g capitán n~g vapor ay tumám