United States or Réunion ? Vote for the TOP Country of the Week !
¿Alin ang dapat matalastas n~g m~ga manghahalal sa pagsulat sa Balota? Kaila~ngang huag dudun~gisan ang balota sa pagsulat. Kaya't kailan~gang huag babasain n~g laway ang dulo n~g lapis at sa pagsulat dapat linisin muna n~g panyong taglay ang m~ga kamay at daliri. Sapnan ang balota n~g isang papel na malinis ó n~g panyo.
Bawal din naman ang pumasok sa isang silid n~g presinto, kung may taong manghahalal sa loob at gayon din bawal ang makipagusap sa m~ga taong manggahalal na nasa sa karatig n~g silid na pinasukan. Kung hindi maaaring makasulat ang manghahalal n~g kanyang balota, sa dahilang napilay ang kamay, nabulag at iba pa ¿ano ang dapat gawin nito n~g makahalal?