United States or Lesotho ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ako'y natuwa sapagka't madadalaw na namang kita; nguni't ¡naku! hindi naglao't nakita ko na ang katapal na dusang walang kasing laki ng aking katuwaan sapagka't nang ako'y paroon sa bahay na inyong tinirhan ay nakita kong naka-dikit sa nakalapat na pintuan ang isang papel na kinababasahan ng SE ALQUILA. Ipinagtanong ko kayo sa mga kakilala; datapwa't walang nakapagsabi kung saan kayo nalipat.