United States or Gambia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Bago siya umalis sa kinakitaan niyang yaon ng malaking pagkapoot ng loob ay naghagis muna siya ng isang tingin, datapwat ang pintuang yaon ng silid na kinalalagyan ng asawang sukab ay waring sa kanya ay nagdulot ng malakas na halakhak. Kaya sa panglulupaypay na iyon ng kanyang katawan ay wala siyang malamang gawin. Umuwi ng tahanang malambot na malambot ang katawan.

Ako'y pinakinggan mo at nang humarap ka sa akin ay walang pinag-iwan sa isang haring maawain ang tingin ko sa iyo at nang ako'y lapitan mo ay binulungan kita ng gayari: Kamukhang-kamukha ka ng haring Constantino. ¡Naku! nanunuya ka pa, ah. Sumama ka sa amin mamaya at ipakikila ko sa iyo ang larawang ibinigay sa akin ng amain kong pari. Sasama ako. Iyong makikita. ¿Baka hindi?

Dinampot nang aming Cura ang sulat sa iniabot sa caniya ni Felicitas, binuclat niyang tuloy, binasa nang dahandahan at tiniclop uli; at bago siya macapag-uica nang anoman, ay tinanong siya ni Felicitas nang gayon. Ano, , ang inyong tiñgin diyan? Ano, , ang inyong sapantaha diyan sa sulat na iyan?

Si Juancho lámang ang nakababatid kun sino ang demonyóng iyon! "Pagsalitaín ngâ natin" ang bigkas ng isang pingkaw "Hoy demónyo! demónyo! magsalitâ ka ngâ." Ang demónyo'y parang bingí. Hindi ináalis ang tingin kay Gerardo na pagkatápos na mabása ang sulat ay lumapit sa may dalá at tumanóng: "Sino kayo?" Ang demonyo'y parang pipi.

Subali't sa kanyang pagkakapako ng tingin sa taong yaong may sugat ay siya namang pagkabaling ng tingin sa kanya at nang siya ay makita ay biglang ngalan niya ay tinawag na napapahabag. Eduardo, tulungan mo ako halika. Ganyang pangungusap ang kanyang narinig nang siya ay makita ng may sugat ang bisig. Sino ang lalaking yaon; at ano ang kapahamakang yaon nangyari?