United States or Turks and Caicos Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ako'y pinakinggan mo at nang humarap ka sa akin ay walang pinag-iwan sa isang haring maawain ang tingin ko sa iyo at nang ako'y lapitan mo ay binulungan kita ng gayari: Kamukhang-kamukha ka ng haring Constantino. ¡Naku! nanunuya ka pa, ah. Sumama ka sa amin mamaya at ipakikila ko sa iyo ang larawang ibinigay sa akin ng amain kong pari. Sasama ako. Iyong makikita. ¿Baka hindi?
Wala kang pinag-iwan sa ilang taga bukid na nakikilala namin; huli na'y nagkakaila pa. At hindi ako nagtataka, sapagka't ang taong nagkukubli ng katotohanan ay talagang ganyan at matapang pa kung minsan, hindi yata? ¡Naku! kung gaya ng dati na tayo'y mga musmos, ay tatawagin ko ang ating mga kaibigan at sasabihin kong: narito ang bulaan, ang sinungaling, narito ¡itignan ninyo!
Salita Ng Araw