United States or Democratic Republic of the Congo ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang ngalan nang ama ay si D. Andrés Baticot na Cabezang pasado , na cung tauaguin dito,i, si cabezang Dales; ang pangalan nang ina, ay si D.a Maria Dimaniuala, na cung tauaguin ay si cabezang Angi; at ang ngalan naman nang canilang dalauang anac, ay si Prospero ang lalaqui, at si Felicitas ang babayi, na cung tauaguin ay si Proper at si Pili.

Ang lahat na naquiquita niya,t, naririñgig tungcol cay Próspero, ay tinitiis niya sa caniyang sarili, at sa Pañginoon Dios inihahain. Sasabihin co na ang lahat sa mañga catagang uica. Ang lagay ni Felicitas sa panahong yao,i, siyang-siya nang lagay nang isang macetas , na hindi dinidilig na nalalanta,t, nalalanta, natutuyo,t, natutuyo at sa calauna,i, namamatay.

Pagcahanda na ang lahat, at nang dumating ang oras na tucoy, ay nagpaalam na ang mag-ama ni Próspero sa mag-ina ni Felicitas; at doon na, ang pag-iiyacan nilang lahat; doon na, ang paghahatulan nang isa,t, isa; doon na, ang pagbibilinan nang sari-saring bilin; doon na, ang pagdadalamhatian nang loob nang nañga-aalis at nang nañgaiiuan.

Nagpaalam na si Felicitas, at nang dacong hapon niyong ding arao na yao,i, nagpasial ang aming Cura, at naparaan sa tapat nang bahay nina cabezang Dales.

¡Catacot-tacot ang pag-iyac ni Felicitas nang mariñgig niya itong utos nang caniyang amba! Di mapalagay-lagay ang caniyang loob, at sari-saring paraan at capamanhican ang guinaua niya, nang houag baga matuloy ang gayong banta nang caniyang tatay.

Saan di, anaquin, magcacagayon si Felicitas, at bucód sa mañga sinasalita co na, ay naquiquita rin niya, na ang pagsisimba man nang caniyang capatid, cung Domingo at piestang pañgilin, ay catua? At totoo ñga.

Caya, gaua nang malaquing cahihiyan, capagura,t, calumbayan niya,i, bangcay na mistula ang caniyang anyo, nang siya,i, dumating dito sa bayan. ¡Caunting namatay na patuluyan si Felicitas, nang maquita niya ang caaua-auang lagay nang caniyang inda!

Ito, inuulit cong sabihin, ang calagayan nang loob at catauoan ni Felicitas doon sa panahong yaon, at nang mamatay ang caniyang amba. Ñgayo,i, itutuloy co na ang pinutol cong salita.

Nang magcaganito,i, ipinatauag ni Felicitas na agad-agad ang aming Cura at caniyang confesor, at doo,i, nagcompisal siya nang mahusay, at nang quinabucasan niyo,i, dinalhan siya nang Santo Viático , at pinahiran siyang tuloy nang Santo Oleo .

Caya dala nang malaquing toua niya,t, nasang maquita ang caniyang anac, ay pinasalubuñgan niya si Próspero nang isang matuling at mariquit na cabayo doon sa Cainta, niyon ding arao na itinucoy ni Próspero sa caniyang sulat. Nang magcaganito,i, nag-aantay ang magasaua ni cabezang Andrés, pati ni Felicitas nang pagdating nang canilang anac at capatid, at handa na ang caniyang pagcain pati bihisan.