United States or Turkey ? Vote for the TOP Country of the Week !


Noon, ay umaga rin, at ang Lupon n~g m~ga manggagawa ay nakipagkitang muli sa Tagapamahala n~g Kawanihan n~g Paggawa, upang alamin dito ang tayo n~g salitaan; datapwa't walang natamong tugon dito kundi ang salitaang nabibitin ay patuloy sa dating lagay. Hindi nagbabago at lalong nagpapakatigás ang m~ga kalaban.

Sa loob n~g nasabing tanggapan at sa haráp n~g isang lamesang marmol ay nan~gakaupo ang tatlo katao at kaukausap n~g nasabi nang Tagapamahala. Ang tatlong yaon ay siyang m~ga may-ari n~g pagawaan. Magtuloy ka, Pablo, magtuloy ka ang anyaya n~g Tagapamahala sa taong pumasok, nang makita itong nakatayo sa may pintuan. Ipinatatawag daw po ninyo akó ang simulang wika ni Pablo nang maupo na.

Tiyaga at pagtitiis, ang tan~ging inihahatol n~g Kawanihan sa m~ga nagsiaklas, yayamang liban dito ay wala nang magagawang iba. Inaasahan ko ang patuloy pa n~ga n~g nasabing Tagapamahala na sa huli ay mahuhusay din ang lahat nang sigalot sa ikasisiyang loob n~g dalawang panig.

Makaitlong nagpabalikbalik sa Pagawaan ang Tagapamahala sa Kawanihang nasabi, subali't yaon at yaon din ang sagót n~g m~ga mamumuhunan. Hindi na nila mababago ang ipinasyá ... Ganito ang laging panagót.

ang tugon n~g Tagapamahala, at pagkatapos na makadukot sa bulsá, ay ang patuloy: Tanggapin mo ito, upang may magugol ka man lamang sa m~ga pagyayao't dito at sa kamay ni Pablo ay iniyabót ang dalawang tiglilimang pisong papel. Salamat po ang nakatawang tugon n~g pinagbigyan at sabay na isinabulsa ang sampung piso. Ako po'y aalis na, ang dugtong pa. ¡Adyos! ang tugon sa kanya n~g kausap.

Pagkatapos n~g ilang pagtatanóng na ginawa n~g matalinong Tagapamahala, ukol sa pinagbuhatan n~g aklasang ipinasya n~g lahat, ang Kawanihan ay nan~gakong gagawin niya ang lahat nang magagawa upang sa lalong madali ay malutas ang salitaan sa ikasisiyang loob n~g bawa't panig. Umaga n~g kinabukasan.

Sinabi sa m~ga kasama nila ang pinangyarihan n~g kanilang huling lakad na yaon, at gayon din, isinakabatiran n~g madla ang tayo n~g kanilang salitaan at gayon ang hatol naman n~g Tagapamahala ng Kawanihan.

Uulik-ulik ang kanyang isip at walang malamang isagót; kaya't nang mamalas n~g m~ga kaharap ang gayon niyang pagaatubili ay nagkindatan muna at pagkatapos na sumun~gaw sa kanilang m~ga labi ang isang n~giti ay winika n~g Tagapamahala. Anó ang iyong sagót? At si Pablo, sa tanóng na itó ay parang nabuhayan n~g loob; kaya't ang tugón: Ako po'y pumapayag; n~guni't nag-aalaala po ako na baka ...

At ... tayo'y magpatuloy.... Nang umaga n~gang yaon, samantalang ang karamihan n~g m~ga nagsiaklás, ay nan~gawiwili sa paguusap sa "Cuartel General" nila, isang tao naman ang pumasok sa maluwang na pinto n~g Pagawaan. Pagkapasok ay ang tanggapan n~g Tagapamahala ang tinun~go.

Oo; anang Tagapamahala ipinatawag kita, sapagka't may isang bagay na mahalaga akong sasabihin sa iyó. ¿Ano po yaon? ang may malaking pananabik na tugón n~g kinakausap. Isang mahalagang bagay na kapapalooban n~g iyong ikagiginhawa, at hindi lamang ikaw, kundi sampu pa n~g iyong "familia," kung aáyon ka sa aking sasabihin. Sabihin mo na po.