United States or Maldives ? Vote for the TOP Country of the Week !


At ... tayo'y magpatuloy.... Nang umaga n~gang yaon, samantalang ang karamihan n~g m~ga nagsiaklás, ay nan~gawiwili sa paguusap sa "Cuartel General" nila, isang tao naman ang pumasok sa maluwang na pinto n~g Pagawaan. Pagkapasok ay ang tanggapan n~g Tagapamahala ang tinun~go.

Si Pablo ay hindi magkantututo n~g isa-sagot; napipigilan siyang umayon, hindi sapagka't ang "conciencia" niya ang tumututol, kundi sa takot sa m~ga nagsiaklás. Hindi naman niya matanggihan ang gayong pagaalók, sapagka't naiisip niya na yaon ay isang magandang pagkakataon na dapat niyang samantalahin upang ikita n~g malaki.

Sa ganitong pangyayari, kaming nagsiaklás ay wala nang nalalabing pag-asa munti man sa pagtatagumpay; sapagka't nakikinikinita ko, na sa likod n~g taksil na si Pablo at sa likod pa n~g ilan pang nahikayat niya, ay susunod naman ang ilan pa; at sa wakas ... sa wakas n~ga, ay marahil ang lahat na ¡Sukatin mo, Serafina, kung sa lahat nang itó ay may puso akong itatagal!

; datapwa't ang m~ga taksil, ang m~ga Hudas, ay siyang nagwasak at magwawasak pa n~g nalalabing pagkakaisa n~g m~ga nagsiaklas sa pamamagitan n~g ... at si Mauro, sa laki mandin n~g pagdaramdam na sa puso niya'y tumitiim, ay napasuntok sa ibabaw n~g kanyang sulatán at tuloy na napayukayok.

Nalalaman mo na marahil, na mula pa kahapon, ang m~ga "orgulloso" kong manggagawa ay nagsipagaklas. Ayaw na tanggapin ang pagbababa n~g kaunti sa kaupahan sa bawa't "vitola." Sila'y nagsiaklas at ang akala marahil n~g m~ga walang utang na loob na iyan ay susuko kaming m~ga mamumuhunan.

Sapagka't, samantalang doón, sa boong kaeorupahan at sa iba pang dako n~g Sangdaigdig, ang kilusan at pagdadamayan n~g m~ga anak-pawis ay hindi kumikilala ni pumipili n~g uri n~g m~ga manggagawang dadamayan, kundi sukat na ang pangyayaring kumilos ang isang pangkat na manggagawa sa pagtatanggol n~g matwid, upang ang iba namang pangkat ay kumilos, umabuloy at dumamay at kumatig sa madlang gawain n~g m~ga yaon, at kadalasan pa, lubha na kung nagaapóy na halos ang labanan n~g Puhunan at Paggawa, sampu na n~g lahat n~g m~ga manggagawang may iba't ibang uri at kalagayan ay sumunód naman sa m~ga ginawa n~g m~ga dinadamayan; samantalang ang pagtutulun~gan at pagaabuluyan n~g m~ga manggagawa roon ay ganáp na ganáp, dito naman sa atin ay hindi, kundi ang kadalasan pa'y hindi maabuluyan n~g anoman ang m~ga nagsiaklás hanggang sa huli, sa pagtatanggol n~g matwid at karapatan.

Tiyaga at pagtitiis, ang tan~ging inihahatol n~g Kawanihan sa m~ga nagsiaklas, yayamang liban dito ay wala nang magagawang iba. Inaasahan ko ang patuloy pa n~ga n~g nasabing Tagapamahala na sa huli ay mahuhusay din ang lahat nang sigalot sa ikasisiyang loob n~g dalawang panig.

Sa kapahintulutan n~g may-ari n~g dulaang Rizal, ito ay siyang pinagkayarian ding maging "Cuartel General" n~g m~ga nagsiaklas. Ang Lupon sa aklasan, noon din ay napatun~go sa Kawanihan n~g Paggawa, upang ipagbigay alam ang m~ga nangyari.

Simula n~ga sa hapong yaon, ang Pagawaan ay untiunti nang nagkakaroon n~g buhay, at wala pang isang linggo, ang datihang linggal at manakánakang pukpukan at tawanan ay naririnig. At samantala'y ... ¡Ang m~ga kahabaghabag na nagsiaklás ay lalong nagsisipagtiis!

At huwag lamang na sawíng palad na pasukan n~g m~ga kamanggagawa ninyo ang pagawaang iyan ay inaasahan ko at maaasahan din naman ninyo na kayo'y magtatagumpáy, kung di man sa lahat n~g inyong m~ga kahilin~gan ay sa marami niyang m~ga bahagi. At ang Lupong manggagawa ay bumalik noón din sa pinagtitipunan n~g m~ga nagsiaklás.

Salita Ng Araw

babaho

Ang iba ay Naghahanap