United States or Poland ? Vote for the TOP Country of the Week !
Si Manuel ay dati niyang kinagigiliwan at natuwa pa nang mahalatang nangingibig sa kanyang bunso; nguni't nang huling gabi ng paguusap nina Edeng ay nakatanggap ng isang kalatas na hindi malaman kung kanino galing, kalatas na nagbabalitang si Manuel ay mason; at dahil doon ay kinapootan ng gayon na lamang.
Ang sulat na ipinahatid ni Manuel kay Enchay ay talagáng iisa nga. Ang dalawang hindi niya makuro kung saan nagbuhat ay gawa ng isang binatang taga Batangan na nangingibig kay Edeng. Isang buwan muna bago nalipat ng bahay sina Manuel, ang binatang iyon ay lumipat din sa bahay na kapiling ng tinitirahan nina Edeng at parang nahalinang inakit ng ganda nito sa gawang pag-ibig.
Natatalastas ko na siya'y nangingibig sa iyo noon pang araw at pagiibigan ang iyong pinaguusapan. Hindi po nanay. Ang napaguusapan po nami'y ang pagpapatintero, ang pagtatakip-silim at iba pang laro nang bata pa kami . Huwag kang maglihim. Magsabi ka nang totoo kung ibig mong huwag akong magalit at kung ibig mong mahalin kita ng higit pa sa rati.
Salita Ng Araw