United States or Maldives ? Vote for the TOP Country of the Week !
Si Manuel ay dati niyang kinagigiliwan at natuwa pa nang mahalatang nangingibig sa kanyang bunso; nguni't nang huling gabi ng paguusap nina Edeng ay nakatanggap ng isang kalatas na hindi malaman kung kanino galing, kalatas na nagbabalitang si Manuel ay mason; at dahil doon ay kinapootan ng gayon na lamang.
Ako'y natuwa sapagka't madadalaw na namang kita; nguni't ¡naku! hindi naglao't nakita ko na ang katapal na dusang walang kasing laki ng aking katuwaan sapagka't nang ako'y paroon sa bahay na inyong tinirhan ay nakita kong naka-dikit sa nakalapat na pintuan ang isang papel na kinababasahan ng SE ALQUILA. Ipinagtanong ko kayo sa mga kakilala; datapwa't walang nakapagsabi kung saan kayo nalipat.
At ako'y natuwa nang gaya ng dati. Nang gabing iyon ay marami kang sinabi sa akin gayon din ako sa iyo at kung hindi tayo pinagtuksuhanan ng ating mga kaibigang napatigil sa paglalaro ng tubigan ay hindi pa tayo magkakatapos sa paguusap sapagka't para tayong mga pinagpalang nagpapasasa sa biyayang hulog ng langit. ¿Hindi ba Edeng?...
Salita Ng Araw