United States or Madagascar ? Vote for the TOP Country of the Week !


34. =Sa makatwid ang m~ga "mason" at ang m~ga mayamang pilipino'y hindi kaayon n~g "Katipunan"?= Hindi, kundi bagkús pang kasalun~gat.

Nang lumalaganap na ang "Katipunan" ang m~ga "mason" at ang kanilang m~ga "logia," ay paraparang nagsikilos upang sugpuin ang paglago n~g "Katipunan" at ang mabalasik na pagpapalaganap ni Andrés Bonifacio, di sa dahilang sila'y kampi sa pamahalaang kastila at sa m~ga "fraile," kundi sapagka't kailan man ang m~ga "masón," ay "ayaw ipaghiganti sa pagbubuhos n~g dugo ang m~ga kaapihang tinatamó."

Napapansin din n~g m~ga "fraile" na ang pasok n~g salapi sa simbahan ay umuunti, sanhi sa kagagawan n~g m~ga mason na nagtuturo sa bayang iwanan ang patay sa loob n~g simbahan at huwag magbayad n~g anoman. Itinuturo rin naman nila na huwag bilhin ang m~ga kalmen, ang m~ga kuwintas, ang m~ga kandila, ang m~ga istampá, ang m~ga bula, ang m~g novena, na kinakalakal n~g kombento.

Subali't ang kapatiran n~g m~ga "masón," ay kasalun~gat ni Bonifacio ukol sa paraan na kinakailan~gang gamitin upang maghari dito sa Pilipinas ang Katwiran at Kalayaan at masugpo ang kalupitan at kasamaang inaasal n~g m~ga "fraile" at n~g Pamahalaang Kastila sa pilipino. Ang "Masoneria" at ang "Katipunan" ay nagkakaisá sa kanilang han~gad na pagtubós sa Bayang Pilipino.

¿Ayaw mo akong sagutin? ang ulit ng ina na lalo pang galit ¿Ano ang laman ng sulat na ibinigay mo kay Manuel? ... Hindi mo ba nalalaman na ang binatang iya'y mason ¿Hindi mo ba nalalaman na ang mga mason ay eskumulgado at ang nakikipagkaibigan sa mga eskumulgado'y walang kaligtasan? Hindi po.

Palibhasa'y naipatapon na si Rizal sa Dapitan na sa ganang m~ga kastila't fraile'y siyang pinakapuno n~g kilusan n~g m~ga "mason" at naparusahan na ang m~ga inaakalang kinaalam sa pagtutol na ginampanan n~g m~ga pinaguusig na gaya nina Doroteo Cortes, Jose Basa, Ambrosio Salvador, Mariano Apacible at marami pang taganas na m~ga "mason," ang m~ga kalaban n~g kalayaan n~g bayan ay napatahimik.

36. =Ano ang ginawa n~g m~ga "mason" kay Bonifacio at sa "Katipunan"?= Dapat munang sabihin na si Bonifacio ay "masón" din. Siya'y "segundo vigilante" sa "Logia Taliba," na ang "Venerable," ay ang binaril n~g m~ga kastilang si Luis Encino Villareal at ilan sa kasamahan ni Bonifacio sa "Katipunan" ay m~ga kamukha rin niyang "masón."

Dahil dito ay sukat n~g mataho na ang m~ga "masón" ay m~ga taong nakakakaya at ang m~ga katipunan ay yaong m~ga taong hindi matatanggap sa "Masonería," na m~ga anak pawis, m~ga dukha't maralita.

Sinabi na natin na ang m~ga "mason" ay di kasangayon sa paghihimagsik na nilalayon n~g m~ga Katipunan. Alam na natin na, ibá ang "Masonería" sa "Katipunan," at ang "Liga Filipina" nama'y walang kinaalam sa dalawang nauna. Bawa't isá ay may kanikaniyang uri, palatuntunan at adhikain.

Ang m~ga "convento" ay nagsikilos, ang m~ga pinunong kastila ay paraparang nagsusumikap sa pagbibintang na ang m~ga "logia," ay walang linalayon kundi ang paghiwalay n~g Pilipinas sa España. Ang bun~ga n~g lahat n~g ito ay ang pagsisiyasat sa m~ga bahay bahay n~g m~ga mason, ang pagpapabilanggo, pagpapatapon sa malalayong bayan sa m~ga magiting na kampon n~g "Masonería."