United States or Niue ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang bahay natin ay nagkakatapat halos, at isang hapong masaya ang langit na ikaw ay nasa bintana, ako'y nanungaw, at nang maino mong pinagmamasdang kita'y tumungo ka, tumungo ka't saka ngumiti ng lihim, bago itinaas ang mata at kiming sumulyap sa akin. Sumandali tayong nagkatitigan at pagkatapos ay isang ngiting busog sa ligaya ang ipinahatid mo sa akin.

Oo, sasagutin kita; datapwa't tugunin mo muna ako: Ngayon ba't tinalikdan ka na ng pinaglalaanan mo ng iyong karrera ay akong ihinabilin mo na sa limot ang iyong pamamanhikan, akong pinagtangkaan mong malugmok sa hirap, sa pamamagitan ng dalawang liham na ipinahatid sa akin ni Enchay? ¿Isinusumpa mong hindi ka kaalam? ¿Bakit niya naalamang lumigaw ka sa akin? ¿Aywan?

Ang sulat na ipinahatid ni Manuel kay Enchay ay talagáng iisa nga. Ang dalawang hindi niya makuro kung saan nagbuhat ay gawa ng isang binatang taga Batangan na nangingibig kay Edeng. Isang buwan muna bago nalipat ng bahay sina Manuel, ang binatang iyon ay lumipat din sa bahay na kapiling ng tinitirahan nina Edeng at parang nahalinang inakit ng ganda nito sa gawang pag-ibig.

Kaya ito ang pagkabigo ni Eduardo noong gabi sa pagasang makita si Leoning. Ang kanyang pagasa ay talagang nabigo. Sadyang hindi niya makakatagpo noon si Leoning. Ang autong yaon na kanilang hinintay at maasahang kinalululanan ni Leoning ay sadyang ipinahatid ni mang Alejandro sa kanilang tahanan upang ipagbigay alam sa mga utusang huwag hintin ang kanilang pagdating.

Salita Ng Araw

matitimbuang

Ang iba ay Naghahanap