United States or Czechia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang sulat na ipinahatid ni Manuel kay Enchay ay talagáng iisa nga. Ang dalawang hindi niya makuro kung saan nagbuhat ay gawa ng isang binatang taga Batangan na nangingibig kay Edeng. Isang buwan muna bago nalipat ng bahay sina Manuel, ang binatang iyon ay lumipat din sa bahay na kapiling ng tinitirahan nina Edeng at parang nahalinang inakit ng ganda nito sa gawang pag-ibig.

Datapuwa't lalò n~g lumakí ang m~ga usap-usapan n~g makita nila n~g hapon n~g icatlóng araw na lumúlunsad si Ibarra sa isang coche, sa harapan n~g munting bahay na tinitirahan n~g dalagang canyang maguiguing asawa, at bumabati n~g boong pitagan sa fraile, na tumutun~go rin sa bahay na iyón. Sino ma'y walang nacacagunitâ cay Sisa at sa canyang m~ga anac.

Kaya't wala na siyang sinikap kundi ang maghanda. Kung baga sa digmaan ay para siyang lulusob. Sa Tundo, kay ligayang pook! Si Leoning ay doon naninirahan at bagama't ang pook na ito ay may kaunting kalayuan sa kanyang tinitirahan ay naging gayon na lamang kalapit para sa kanya. Kung noong una ay di man lang niya kinagigiliwan paroonan, ngayon ay siyang paraiso ng kanyang puso.

Inaasahan niyang pagkatanaw na sa kanya ang pagkaway na wari bang sinasabing: "Halika". Datapwa't malapit na siya sa tinitirahan ni Leoning, ay hindi pa niya nakikitang ang binibini ay sumungaw man lamang sa durungawan. Wala kaya roon? Nasaan kaya ang dating ugali ni Leoning na malayolayo pa ang binata ay sinasalubong na agad ng kaway at ngiti?

Salita Ng Araw

babaho

Ang iba ay Naghahanap