United States or Guam ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa baya'y nadama ko ang aking kinasasabikan; ang ginhawa, ang kasayahan, at noon ko nawikang sa lalawigan pala'y maari ding mabuhay na gaya ng kabuhayan sa Maynila at higit pa, sapagka't bihira ang gabing walang harana, at madalas ang buencomer sa tabi ng ilog ó kaya'y sa palayan. Nang may ilang araw na kami sa bayan ay nakatanggap ako ng isang sulat.
Si Manuel ay dati niyang kinagigiliwan at natuwa pa nang mahalatang nangingibig sa kanyang bunso; nguni't nang huling gabi ng paguusap nina Edeng ay nakatanggap ng isang kalatas na hindi malaman kung kanino galing, kalatas na nagbabalitang si Manuel ay mason; at dahil doon ay kinapootan ng gayon na lamang.