United States or Suriname ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang binatang iyon ay nagaaral sa paaralan ng mga Heswitas at nang dumating ang bakasyon ay umuwi sa Batangan at si Edeng ay makalawa sa isang lingong pinagsasadya sa bukid. Sa kanilang mga paguusap ay naino niyang si Manuel ay hindi nawawalay sa alaala ni Edeng, kaya't gumawa ng lahat ng paraan upang malimot ang binatang nagtitiis ng hirap sa pagkaulila sa kaniyang nilalangit.

Dito'y panay na kaligayahan ang aking naranasan; subali't doo'y panay na kalungkutan ang aking makakaulayaw sa araw at gabi. Ako nga'y malungkot at napatulo pa ang aking luha. ¿Nguni't naroroon na'y ano pa ang aking gagawin!? ¡at mayroon man ay wala nang mangyayari! Dumating kami sa Batangan. Mahusay ang Panahon, ang langit ay maaliwalas at malamig ang amihan.

Ang sulat na ipinahatid ni Manuel kay Enchay ay talagáng iisa nga. Ang dalawang hindi niya makuro kung saan nagbuhat ay gawa ng isang binatang taga Batangan na nangingibig kay Edeng. Isang buwan muna bago nalipat ng bahay sina Manuel, ang binatang iyon ay lumipat din sa bahay na kapiling ng tinitirahan nina Edeng at parang nahalinang inakit ng ganda nito sa gawang pag-ibig.

Makailang araw ay muli akong nakabalita na kayo nga ni Enchay ay nagkakaibigan at noon ako naniwala ng lubos sapagka't may isang linggo nang hindi mo ako dinadalaw, gayon ma'y hindi ako nagdamdam at sumulat pa ako sa iyo nang kami'y naghahanda ng paglalakbay sa Batangan.

Salita Ng Araw

babaho

Ang iba ay Naghahanap