United States or Dominica ? Vote for the TOP Country of the Week !
Caya gayo,i, sapagca anomang isilid sa sicmura nang tauo na may dumi sa loob, nabubuloc pagdaca at nacasasama bagcus sa caniya. Cailan~gang linisin muna ang sicmura, at painomin ang nalalagnat nang man~ga bagay na nacacatunao nang man~ga malalagquit na dumi doon.
Caya pacatalastasing maigui nang mang-gagamot, na yaong maysaquit na marumi ang dila, na nananab-ang nang pagcain, at mapait ang bibig; ang dungmoroal, ang parating mabaho ang hinin~ga, pati nang ini-iilaguin, ito anaquing ganitong maysaquit ay hindi sucat big-yan nang carne, sabao, itlog, triaca, at nang iba pang man~ga maiinit: at hindi mangyayaring macuha yaong duming malagquit sa sicmura, cundí painumin nang maraming totoong tubig na nacacatunao noon.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap