United States or Israel ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ako'y ilinagak sa lan~git n~g isang masun~git na palad napatulad ako sa kimpal n~g ulap na walang bituwing magarang ninikat, ang kabuhayan ko'y naging isang dagat na di matatawid kahit sa pan~garap.

Pagkawika nito, ang mestisa ay maliksing tumindig; tinun~go ang magarang aparador at nuha n~g isang marin~gal na kasuutan, yaong kakulay n~g apoy na nakadadarang at nakapapaso hanggang sa puso ... Pagkapagbihis ay muling pumiling sa kinahihiligan n~g lalaki. ¡Oh, gaanong pagkasilaw ang nangyari noon sa m~ga balintataw n~g makata!

Magarang magarang animo'y bituing nahulog sa lupa, kung minsa'y nagiging hibang itong diwa at kung magkaminsa'y para akong bata, paano'y hindi ko masukat sa haka ang nararapat kong ihaing paghan~ga. Kung kita'y itulad sa dakilang araw at ako ang lupa, ang lupang tuntun~gan, ay masasabi mong ako'y walang galang at ako ay bihag niyong gunam-gunam. Subali't butihin!

Larawang kalasag sa m~ga pasakit, tulay n~g lwalhating patun~go sa lan~git, halamang magarang sa paligid-ligid ay m~ga bulaklak na kaakitakit, bundok na palaging sa libis ay batis na maiinuman n~g budhing malinis, dagat na payapang katapat n~g lan~git na minsa'y magban~gong kapan~gapan~ganib.

Ang kanyang tulai'y sing-lambot, sing-linaw n~g tubig sa wawa, sa sapa't batisang Balana'y sumimsim sa tamis na taglay. Hayan ang makata. Kayó ang magsabi Kundi siya'y dapat na Dan~gal at Puri at maging putong pa n~g Wikang sarili. Tundó, Set., 1915. ¡Bulalakaw...! Sa Katotong =Pascual de Leon= . Sa harap n~g iyong magarang pagsikat ay pinaglaho mo ang aking liwanag.

Salita Ng Araw

pinag-uusisa

Ang iba ay Naghahanap