United States or Morocco ? Vote for the TOP Country of the Week !
At sa isang pikit-mata'y pabiglang nagbulalas n~g matunog na sigaw. ¡Apoy! ... saka nilabnot ang buhok at taas ang dalawang bisig na humarap sa madla, ¡Apoy na nakapapaso ang babae! ¡Ang babae'y nakadadarang, nakatutupok! ... ¡Ha-ha-ha-ha! ... ¡Tabi kayo't naito ang apoy! ¡Ang apoy! ... ¡Ha-ha-ha-ha-ha!... At ang kahabaghabag na mestisa, ay naging baliw sa isang saglit....
Pagkawika nito, ang mestisa ay maliksing tumindig; tinun~go ang magarang aparador at nuha n~g isang marin~gal na kasuutan, yaong kakulay n~g apoy na nakadadarang at nakapapaso hanggang sa puso ... Pagkapagbihis ay muling pumiling sa kinahihiligan n~g lalaki. ¡Oh, gaanong pagkasilaw ang nangyari noon sa m~ga balintataw n~g makata!
Salita Ng Araw