United States or Monaco ? Vote for the TOP Country of the Week !


Sa pook na yaon, na bahagya nang inaabot n~g liwanag n~g kumpolkumpol na ilaw sa may panggitnang panig n~g bulwagang wala yatang kasinglaki, kaginsaginsa'y nalin~gapan ni Elsa't ni Tirso, samantalang si Dioni'y sa kaibayong gawi nakamata, ang isang babae't isang lalaking marahil ang isip ay wala sa gayong pagdiriwang kundi naglalakbay sa dako pa roon n~g m~ga pangarap ... At ang kanilang anyo't m~ga kilos ay siyang nagpapaakala n~g ganito.

Larawang kalasag sa m~ga pasakit, tulay n~g lwalhating patun~go sa lan~git, halamang magarang sa paligid-ligid ay m~ga bulaklak na kaakitakit, bundok na palaging sa libis ay batis na maiinuman n~g budhing malinis, dagat na payapang katapat n~g lan~git na minsa'y magban~gong kapan~gapan~ganib.

Ang malaong pinan~gapan~garap niyang pagtatagumpay sa puso n~g makatang nihag na buongbuo sa kanyang pagkababae ay isa nang katotohanang itinatambad sa harap niya n~g m~ga huling pangyayari. Inniibig niya si Tirso, at ang makatang ito ay umiibig sa kanya. ¡Narito ang tamis, ban~go, liwanag, luwalhati at buhay n~g magandang si Elsa!

Ang mabuhay dito'y kapan~gápan~ganib sa munting paghakbang ay silo n~g sakit, umiibig ka na n~g buong pagibig ay ayaw pang dinggin ¡ay himalang lan~git! Hindi ka tatamo n~g bahagyang galak kundi pa matulog at saka man~garap, gayon man, kung minsa'y paos na nanawag sa pagkakahimbing ang tinig n~g hirap. Sa paminsanminsan, sa aking gunita m~ga pagsisisi yaong tumutudla.

Magmula na noo'y naging maliwanag ang lan~git n~g pusong nagaalapaap, ang kurus na aking laging namamalas sa m~ga libin~gan n~g nan~gapahamak, sa aking panin~gin ay naging watawat na kulay lungtiang kapan~gapan~garap! Ikaw'y napabalik, at tayo'y nagkita! ang lamang palagi nitong alaala'y ang iyong pan~gakong hindi magbabawa na n~gayo'y ibig kong tuparin mo sana, n~gunit hinding hindi.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap