United States or Switzerland ? Vote for the TOP Country of the Week !


Sabihin na ninyong ako'y nan~gan~garap ó nananaginip sa Sangmaliwanag ay di babawiin itong pag-uulat sa isang dalagang may magandang palad. May tikas-bayani at tindig Sultana, may hinhing kaagaw n~g m~ga sampaga, may samyong kundimang hindi magbabawa datnan ma't panawan n~g gabi't umaga.

Walang kailan~gang mamatay sa dusa Huwag ang bawiin ang pagkikilala, Aking katuwaan kung ikaw'y makita Sa piling n~g aliw na di magbabawa. Aking matitiis na sarilihin ko Ang lahat n~g pait sa buhay na ito Kahit ang magtimpi'y halik n~g simbuyó Huwag ang abuting ikaw pa'y magtampo.

Guhit n~g liwanag, kislap n~g ligaya, talutot na ginto n~g isang sampaga, kalupi n~g buhay, hamog sa umaga, Bathalang ang awa'y hindi magbabawa, kaban n~g kundimang sa nan~gun~gulila'y halik n~g biyaya't sugo n~g ginhawa, timbulan n~g palad sa m~ga parusa, tinig na mayumi n~g mahinhing maya.

Magmula na noo'y naging maliwanag ang lan~git n~g pusong nagaalapaap, ang kurus na aking laging namamalas sa m~ga libin~gan n~g nan~gapahamak, sa aking panin~gin ay naging watawat na kulay lungtiang kapan~gapan~garap! Ikaw'y napabalik, at tayo'y nagkita! ang lamang palagi nitong alaala'y ang iyong pan~gakong hindi magbabawa na n~gayo'y ibig kong tuparin mo sana, n~gunit hinding hindi.

Sakaling sa aki'y ayaw kang manalig ang lahat n~g sumbat sa aki'y ikapit, ang m~ga sumbat mo nama'y itititik sa dahon n~g aking lagás na pagibig. Ikaw'y maniniwalang ang aking pagasa sa iyo, kaylan ma'y hindi magbabawa, sa iyo sisikat ang isang umaga na dala ang aking magiging ligaya.