United States or Martinique ? Vote for the TOP Country of the Week !
Pagkawika nito'y namasdan ni Tirsong umanod sa pisn~gi n~g mestisa ang ilang patak n~g luhang nagpapahayag n~g malaking paghihinagpis. ¡Kaunaunahang patak n~g luhang nasaksihan niyang namalisbis sa mukhang iyong puspos n~g sanghaya! Nan~gilabot si Tirso. Elsa, inuulit ko sa iyong iniibig kita n~g isang pagibig na walang katapusan....
Pagkawika nito, ang mestisa ay maliksing tumindig; tinun~go ang magarang aparador at nuha n~g isang marin~gal na kasuutan, yaong kakulay n~g apoy na nakadadarang at nakapapaso hanggang sa puso ... Pagkapagbihis ay muling pumiling sa kinahihiligan n~g lalaki. ¡Oh, gaanong pagkasilaw ang nangyari noon sa m~ga balintataw n~g makata!