United States or Trinidad and Tobago ? Vote for the TOP Country of the Week !


Yaong abanikong idampi sa labi, ang ibig sabihi'y Ikaw ang lwalhati , kung minsang itago'y Hindi maaari ang iyong pagkasi't ang sa pusong susi'y hawak na n~g isang pan~garap kong lagi , at kung pisil-pisil n~g m~ga daliri'y: inaantay kita't ang ama kong Hari'y wala at sa monte'y nagbakasakali .

Pag-aaralan kong luman~goy sa dagat na puno n~g aking sariling bagabag, pag-aaralan kong lumaban sa hirap yamang siyang takda n~g buhay ko't palad. Aking natatantong walang pagkasayang sa iyo ang aking maralitang buhay, sa iyo'y ligaya ang aking pagpanaw, sa iyo'y lwalhati ang kurus ko't hukay .

Iyan ang si Choleng na sadyang mayumi't laman n~g panulat na kahilihili, iyan ang larawang aking binabati at isang dalagang hiyas nitong Lahi, iyan ang diwatang ang paguugali'y mayamang talaan n~g saya't lwalhati, iyan ang sampagang ang samyo, ang uri'y pawang kapalarang walang pagkapawi. At n~gayo'y araw mo! N~guni't ano kaya ang maiaalay sa isang himala? Walang wala Choleng!

Huwag kang magtaka, dalagang mayumi sakaling sabihing sa aki'y napawi ang tinik n~g dusa't m~ga dalamhati, sapagka't sa n~gayo'y aking napaglimi na iyong pagsilang nang buong lwalhati ang m~ga nabagong nadama't nasuri, ang m~ga nakita't nabakas sa labi'y tanda n~g paghan~ga't sa iyo'y pagbati. At n~gayo'y araw mo!

Ako ang pulubing sa tinawag-tawag ay lalong inapi... binigyang bagabag...! Di ko akalaing ang lan~git n~g puso ay man~gun~gulimlim... biglang maglalaho, di ko akalaing sa likod n~g samyo n~g m~ga sampaga'y may lihim na suro...! Animo'y nagtikom sa gayong sandali ang pintong maramot n~g awa't lwalhati, sa aki'y para nang ang kahilihiling sinag n~g ligaya'y lumubog, napawi...!

Salita Ng Araw

maghimagsik

Ang iba ay Naghahanap