United States or Kenya ? Vote for the TOP Country of the Week !


Doon hinahanay pag-liham n~g nais n~g capoua pusong nagcaisang hilig, ang cauili-uiling anas n~g pag-ibig casintuno halos ang tunog n~g batis: Sa sin~gao n~g pusong matamis at uagas isa't isa'y ualang itampong pahayag, pagcat cung sa jardin ay yaon ang lunas n~g tanang sampagang humahalimuyac.

Ang araw ay maliwanag na sumisikat, at tinatanglawan ang lahat ng pinagharian ng gabi; ang lan~git ay walang mga panganorin na nakadudun~gis sa kulay niyang azul; ang mga sampagang nangag tikum ang dahon matapos na matangap ng kanyang talulod ang ban~go sa isang mahiwagang gabi, ay paraparang ilinalahad at pinahahalimuyak ang ban~go niyang na impok ng sakdal lwat.

Ang man~ga bulaclac ay iniaalay sa hindi nagmana sa sala ni Adan, na siyang sampagang sadyang caban~guhan sa masayang jardin niyong calan~gitan. Sari-saring rosas siyang dinadala niyong mabait na anac ni Maria, at taglay sa puso ang toua,t, ligaya niyong paghahandog sa canilang Reina.

Ang m~ga labi mo ay dalawang lan~git, Lan~git-na di bughaw, ni lan~git n~g hapis, Labi n~g bulaklak na kapwa ninibig Labing mababan~go, sariwa't malinis. Labi n~g sampagang may pait at awa, Tipunan n~g pulót, tamis at biyaya, Sisidlang ang lama'y kaban~guhang pawa, Pook na tipanan n~g hamog at diwa.

Cung isa ang timbang nan~ga-unang tatag sa gugol at siglang sa tin~gi'i pangalác, ang sa n~gayo'y banguit tiquis pinag apat, palibhasa'y tungcol sa sampagang in~gat. Bumabasang ibig, dapat mong matalos guinoong Capuleto may anac na irog, Julieta ang n~galan casinglinao bubog labing apat lamang dalang taong bilog.

«Mundong sinon~galing, sumandaling layao, «touang sa sangquisap, asóng mapaparam, «lumayo ca hayo,t, ualang cararatnan «sa aquin ang iyong camandag na alay. «Caran~gala,t, yaman agad cumucupas, «tulad sa sampagang biglang nalalagas, «isinusumpa cong di ca matatangap «niring aquing pusong dili pabibihag.

Tahimik na lan~git na nan~gan~ganinag ang lamang biyayang tugon sa pan~garap, m~ga kayamanang hindi matitinag, sampagang sa ban~go'y tulang walang kupas, talang nagsasayang may mayuming sinag, aklat na talaan n~g aliw n~g palad, dahon n~g kaluping yaong nasusulat ay kadakilaan n~g damdaming in~gat.

Ang touá mo cung n~gayo'y ualang macatimbang pagcat ang ligaya sa isip mo'y nam-nam lalo pang malaqui hahali mong lumbay sa anyong pagpitas sa sampagang aaam; Pagcat sa iyo ito'y di tungcol n~g lan~git, cun di cay Romeong ilao niyaring isip, Romeo'y ang tan~ging dapat na magcamit altar palibhasa quinunang matouid;