United States or Jordan ? Vote for the TOP Country of the Week !


At ang gayó'y nagíng parang isáng tinik na mahayap sa aking pusòng nahahapis, pagkâ't inasahan kong siyá'y umiibig sa ibá. Gayón pa man, ang pagyao nami'y lubhâng kalagím-lagím at halos lahát n~g m~ga babai'y nagsi-iyák, tan~gi lamang yaóng diwat

Huwag nang ituring na ako'y kalaban pagka't nagbago na ang aking isipan, ang puso ko n~gayon ay naliwanagan pa kislap n~g iyong mahalagang aral. Dapat nang lumaki ang iyong pagasa sa pagliliwayway n~g bagong umaga, ang daan mo n~gayo'y puno n~g sampaga't ang daan ko'y puno n~g tinik at dusa.

Ang mundo n~ga nama'y batbat n~g paraya't Nagkalat ang silo sa balat n~g lupa, Dito kung mayron mang sampagang dakila Ay may tinik namang pamutol n~g nasa. Ang pagkamasakim sa ban~go at puri Ang isinasama n~g lalong mabuti, Ang pagtin~ging labis sa pagsintang iwi'y Siyang pagkabagsak n~g isang lalaki. Oh! ban~gong pan~garap n~g uhaw na puso! Oh! puring nagbuwal sa lalong maamo!

Ang tan~ging pamanang sa aki'y naiwan Ay malaking gusi n~g mayamang aral: Anak ko: hanapin iyang karunun~gan, Ang dunong ay pilak, ang aklat ay buhay. Sa harap n~g bait, ay silaw ang lakas, Sa harap n~g matwid ay yuko ang lahat, Ang mundo'y niyari n~g paham at pantas, Ang babae'y tinik n~g isang bulaklak.

Matatapos na ang paguusap nang lihim ng kanilang mga mata kung sakali't nahihinto ang kanilang paguusap. Kinabukasan ay hindi na mauulit ang ganito. Aalis na si Eduardo at ang pangyayaring ito ay tila isang tinik na susubyang sa kanyang puso. Magkakahiwalay silang maluwat. Kay lungkot na mga sandali! Kay Eduardo man ay gayon din.

Ako'y walang hinihintay, lalo pang pakailang iwas n~g makata. ¿At sino naman ang susulat sa akin sa m~ga araw na ito? Si Teang ... si Elsa.... Si Teang ay hindi. Si Elsa, manapa.... Hindi nalalaman ni Tirsong tinik na sumubyang sa dibdib ni Martinez ang huli niyang winika. ¿Susulat sa kanya si Elsa? ¡Talagang hindi namamali n~g hinala si Martinez!

Leoning ngayon ay walang ibang tinitiis ang puso ni Eduardo kundi ang mahahapding sugat, sugat na walang lunas, wala na kundi kung pamuling magbalik ang kahapong kaligayahan nila. Ngayon ay waring tinik na dumuro sa kanyang puso, tumagos sa kanyang dibdib hanggang sa kaliitliitang ugat ng kanyang kaluluwa, iyan ang dahil lamang sa sumpang nilimot ni Leoning.

Sa pinto n~g puso'y nanawag na lagi Ang tinig n~g dusang nakaaaglahi, Parang nananadyang sa aki'y bumati Ang labi n~g hirap, tinik, dalamhati. Nais kong umibig. N~guni't natatakot Na ako'y umibig at saka lumuhog, Pagka't nan~gan~gambang sa aki'y matapos Ang lahat n~g aliw nitong Sangsinukob.

Ang isip mo't diwa'y papanumbalikin sa pagmamahal ko't payapa tang hintin ang muling pagngiti ng buwa't bituin. Bayaan ta munang itaboy sa dagat ng mga buhawi ang dilim ng ulap, at saka lakbayin ang lupang mapalad. ¡Panibagong tinik na biglang humalang sa lumuluwag nang paghin~ga ni Elsa!...

Salita Ng Araw

mapisan

Ang iba ay Naghahanap