United States or Heard Island and McDonald Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !


Kay tamís málugmók, máta~ghál ka lama~g Mamatáy n~g upá~g mabigyán ka~g buhay Mamatáy sa silo~g n~g la~git mo~g mahál Málibi~g sa lupa~g puspós karikitan. Ku~g sakásakali~g sa abá ko~g libi~g Mayumi~g bulaklák ay iyó~g mápansi~g Sumila~g sa gitnâ n~g damó~g mahinhín Hagká't a~g halík mó'y aki~g táta~ggapin.

Magsabi ang aklat na iyong binasa kundi ang buhay ko'y siniklot n~g dusa, magsabi ang gubat kung hindi natayang ang tulog kong puso'y iyong binalisa. Mayumi, buhayin ang yumaong araw sa tabi n~g batis at lilim n~g parang, kung magunita na'y dapat mong malamang naririto akong tigib kalumbayan. =Bagong Taon=...

Ang aking tinuran ay tibok at utos n~g katotohanan. Kung ikaw'y Reyna man sa ganda't ugali, naman sa pan~garap, ako'y isang Hari; kaya't kung sabihi'y tala kang mayumi, hamog sa umaga, ban~gong walang pawi, ikaw ay manalig, manalig kang tan~gi at ang nagsasabi'y nabatu-balani.

Huwag kang magtaka, dalagang mayumi sakaling sabihing sa aki'y napawi ang tinik n~g dusa't m~ga dalamhati, sapagka't sa n~gayo'y aking napaglimi na iyong pagsilang nang buong lwalhati ang m~ga nabagong nadama't nasuri, ang m~ga nakita't nabakas sa labi'y tanda n~g paghan~ga't sa iyo'y pagbati. At n~gayo'y araw mo!

La princesita está bella . Ruben Dario. Ipahintulot mo, dalagang mayumi, Na ilarawan ko ang ganda mong ari, Ipahintulot mong awitin kong lagi Ang kagandahan mong makahibang-pari. Bulaan ang madlang balitang Prinsesa Kung sa ganda mo n~ga'y makahihigit pa, At para sa akin, ikaw'y siyang Reyna N~g m~ga kapwa mong masamyong sampaga.

Yaong "makahiyang" mahinhi't mayumi n~g iyong hawaka'y hindi man nan~gimi, paano'y may galing ang iyong daliri't ang m~ga kamay mo'y banal, tan~ging tan~gi. Sa puso'y tumubo ang isang paghan~ga, naguhit sa pitak ang isang diwata, aywan ko kung ikaw! At tila ikaw n~ga! Subali't Mayumi, ¿ikaw'y maaawa?

Guhit n~g liwanag, kislap n~g ligaya, talutot na ginto n~g isang sampaga, kalupi n~g buhay, hamog sa umaga, Bathalang ang awa'y hindi magbabawa, kaban n~g kundimang sa nan~gun~gulila'y halik n~g biyaya't sugo n~g ginhawa, timbulan n~g palad sa m~ga parusa, tinig na mayumi n~g mahinhing maya.