United States or Tonga ? Vote for the TOP Country of the Week !
Yaong Paring banal ay nang dumating na buong bahay nama'y benendita upang yaong tao ay huwag makuha nang Demonio't di makapasok siya. Pulubing marami nagpatawag naman nang dumating doon ay pinagsabihan na halihaliling sila'y magdarasal tan~gi ang sa lupa kay sa nasa bahay.
Ang nakakatulad n~g aking pag-giliw ay isang pulubing dumadaing-daing na sa kanyang taghoy at pananalan~gin ay walang maawang maglimos n~g aliw! Kanyang sinusubok ang aking pagsuyo, kanyang tinatarok ang luha n~g puso, kanyang binabasa sa pamimintuho yaong katunayan n~g sinamo-samo.
Ako ang pulubing sa tinawag-tawag ay lalong inapi... binigyang bagabag...! Di ko akalaing ang lan~git n~g puso ay man~gun~gulimlim... biglang maglalaho, di ko akalaing sa likod n~g samyo n~g m~ga sampaga'y may lihim na suro...! Animo'y nagtikom sa gayong sandali ang pintong maramot n~g awa't lwalhati, sa aki'y para nang ang kahilihiling sinag n~g ligaya'y lumubog, napawi...!
Sa laot n~g dusa, ako'y ipinadpad n~g lubhang marun~gis at masamang palad; nagtaksil n~ga ako't inang nagmalupit sa tunay na anak subalit sa n~gayo'y ¡¡patawad!! ¡¡patawad!!» At untiunti nang, nalagot ang hin~ga at noong maburol sumugod ang ama: «¡Ikaw na pan~gahas, pulubing naghayag n~g lihim at dusa dapat kang mamatay! ¡uutasin kita!...»