United States or Netherlands ? Vote for the TOP Country of the Week !


Cun mayroong naputol na ugat ca malaqui, at malacas lumahoy ang dugo, ay maigui roon ang agárico de roble número 67; at sapagca dito sa Filipinas ualang agárico, ay na-aari ang colatcolat número 67, yaon bagang tila cabuting matigas na sungmisibol sa man~ga cahoy, sa alibangbang baga; ang unang balat nang colatcolat ay itinatapon, ang ibang natitira ay babayuhin, ó bubugbuguin nang cahoy nang lumambot, at yaon ang itinatapal sa sugat; saca doroonan sa ibabao nang maraming hilas, at isang lienzo, at bibigquisan tuloy.

Ang uica nang iba, na totoong magaling na gamot sa gayong sibol ang ugat nang calaboa, na binabayo muna,t, pinapatacang sabay nang caunting lan~gis nang niyog at siya ang itinatapal doon. Nota 2. Pag nagsusugat at nasisira ang ilong nang tauo, cun minsan gagaling siya pag ininom nang mahabang panahon ang bilin sa número 57. Datapoua,t, magpupurga naman siya nang malimit-limit bilin sa número 21.

Pag nasaoli na ang buto sa caniyang lugar, ay cailan~gang tapalang parati ang casangcapang nasactan cun namamaga pa nang damit na babad sa tubig at suca; at pagca nauala na ang pamamaga ay samahan nang caunting aguardiente. Saca bibigquisang maigui, at houag quiquibuin nang mahabang panahon. Na-aari rin ang puti nang itlog at ang inciensong binayo na hinahalo capoua, at itinatapal sa masaquit.

Gayon din ang apog na bagong yari at ang pulutpocquiotan ay minamasa capoua at itinatapal. Ang isang fuente sa ilalim nang hita ay maigui rin. Datapoua cun hindi mangyaring mauala yaong saquit na yaon, ay pasuin ang casangcapang masaquit; houag lamang ang ulo, cun naroroon na ulo ang saquit.

Ang isang itlog nang manuc ay hinahalong maigui sa pingan; sinasamahan nang dalauang cucharang lan~gis na bago nang niyog ó lana man; hinahalo pang magaling capoua, at itinatapal. N~guni ang magaling sa lahat na gamot ay ang lan~gis nang cacao, na gayon ang pag-gaua. Ang isang gatang na cacao, iyong isan~gag, bago dicdiquin mo nang maliit.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap